Mas mahigpit na minomonitor ngayon ng Commission on Higher Education ang usaping mental health situation sa mga colleges schools at mga unibersidad sa Rehiyon Uno.
Ito ay dahil sa tumataas na kaso ng mga estudyante at mga faculty members ang lubhang naaapektuhan ng mental problems na kadalasan na nararanasan gaya na lamang ng depresyon, anxiety at marami pang iba.
Ayon kay CHED Regional Director Danilo Bose, matapos ang nangyaring mga suicide cases sa iba’t ibang mga paaralan sa rehiyon ay kanila nang ikinaalarma ang naturang problema.
Dagdag pa nito, nakatanggap umano ang kanilang opisina ng mga reports ukol sa mental health concerns araw-araw ngunit aniya, mamagitan lamang ang kanilang opisina kung hindi na kaya ng paaralan na solusyunan ang problema.
Samantala, nagsasagawa umano ang tanggapan ng CHED regional office ng mga programa at polisiya na nakatutok sa mental health ng mga estudyante at mga guro.
Ayon pa sa kanya, mayroong memorandum at guidelines ukol sa mental health issues na nasa mga paaralan at kung may mga kailangan pang malaman ang mga tao, ay accessible aniya ang mga ito sa kanilang website.
Ngayong buwan, magsasagawa umano ang CHED ng isnag face-to-face monitoring at konsultasyon sa mga school campuses kung kumusta nga ba ang mga estudyante at mga guro sa Ilocos Region.

Facebook Comments