Resolusyon sa paglimita kay Trump na giyerahin ang Iran, inaprubahan na

Inaprubahan na ng US House of Representatives ang resolusyon sa paglimita kay President Donald Trump na giyerahin ang Iran.

Ayon kay US House Speaker Nancy Pelosi – ang ginawang drone attack ng US na ikinamatay ni Iran Military General Qassem Soleimani ay hindi magdadala sa kaligtasan ng Estados Unidos.

Aniya, hindi magiging epektibo kung sakaling magkaroon ng agarang pag-atake sa US.


Sa isinagawang botohan, nasa mahigit 224 ang sumang ayon habang 194 naman ang hindi sumang ayon sa paglimita kay Trump na giyerahin ang Iran.

Facebook Comments