MERALCO, handa na para sa eleksyon 2022

Inanunsyo ng Manila Electric Railroad and Light Company (MERALCO) na nakalatag na ang mga paghahanda nito para sa nalalapit na eleksyon 2022.

Ayon kay MERALCO 1st Vice President at Chief Commercial Officer Ferdie Geluz, kumpyansa ang MERALCO na sapat ang suplay ng kuryente pagdating sa eleksyon at hindi magkakaroon ng brownout.

Aniya magpapatupad sila ng round the clock operations hanggang sa proklamasyon ng mga bagong halal na opisyal.


Dagdag ni Geluz, 2, 700 ng kanilang network personnel ang naka-stand by para sa duty kasama ang ibang business center employees.

Kaugnay nito, kanyng sinabi na 100 porsyento nang kumpleto ang kanilang inspeksyon sa 2, 773 polling centers, 119 canvassing centers at 13 iba pang vital election sites.

Facebook Comments