Meralco, lumagda na ng kasunduan sa GNPower Ltd. Co. para sa emergency supply deal

Opisyal nang lumagda ng kasunduan ang Manila Electric Company o Meralco sa GNPower Ltd. Co. para sa emergency power supply.

Ito ay para punan ang 670 megawatts na nawala matapos tumigil ang South Premiere Power Corporation (SPPC) sa pag-su-suplay ng kuryente kasunod ng inilabas ng Court of Appeals na temporary restraining order (TRO) sa desisyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na hindi payagan magtaas ang nasabing generation firm.

Ayon sa Meralco, magsu-suplay ng 300 megawatts ang GNPower simula ngayong araw, December 15 hanggang January 25, 2023.


Batay din sa nasabing kasunduan, nagkakahalaga na P5.96 kada kilowatt-hour ang kukuning kuryente ng Meralco.

Dahil din sa emergency supply deal sa GNPower ay mababawasan ang exposure ng Meralco sa whole sale electricity stat na makatutulong naman para makaiwas sa mataas na generation cost at mas mahal na singil sa kuryente ang mga customer nito.

Samantala, inaasahan naman anumang araw bago matapos ang 2022 ay ilalabas ng Meralco ang halaga na itataas sa singil sa kuryente sa pagpasok ng Enero 2023.

Facebook Comments