Interest rate ng BSP, itataas sa 5.5%

Tinaasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rate nito sa overnight RRP facility sa 5.5%, batay sa 50 basis-points.

Epektibo itong ipatutupad ng BSP bukas, December 16.

Kaugnay nito, ang mga rate ng interes sa overnight RRP facility sa pagpapautang ay itatakda sa 5% at 6%.


Batay rin sa pagtataya ng BSP, tataas pa ang inflation rate ngayong December dahil sa mas mataas na presyo ng pagkain dulot ng mga nagdaang bagyo.

Pagkatapos nito, posible namang bumababa ang inflation sa month-to-month basis o buwanang batayan dahil sa pagbaba ng presyo ng petrolyo at paglakas ng halaga ng piso.

Facebook Comments