Meralco, may “bigtime” dagdag-singil ngayong buwan ng Abril

Asahan na ang “bigtime” taas-singil ng Meralco ngayong buwan ng Abril.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ang dagdag-singil ay dahil sa pagtaas ng presyo ng kuryente sa spot market, pagmahal na langis na ginagamit ng mga planta at paghina ng piso kontra dolyar.

Sinabi naman ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Agnes Devanadera na nakiusap sila sa Meralco na nagawan nila ng paraan na tapyasan ng mahigit kalahati ang dagdag-singil.


Aniya, ide-defer o ia-atras sa tag-ulan ang paniningil ng ilang charges ng power producers at Meralco na aabot na P1.2 bilyon.

Babayaran pa rin ng consumers ang deferred charges na walang interes sa mga buwang mas malamig na ang panahon para mas mababa na ang konsumo.

Facebook Comments