Mercury-free PH posible kapag naratipikahan ang Minamata Convention ayon sa DENR

Tiniyak ni Environment Secretary Roy Cimatu na makaaasa ang mga Pilipino na malaki ang posibilidad na maging mercury-free ang Pilipinas sakaling maratipikahan ang Minamata Convention on Mercury.

Sa ilalim ng Minamata Initial Assessment report, inihahanda na ng Environmental Management Bureau  ang mga pangangailangan para sa implementasyon ng Minamata Convention.

Ani Cimatu, ito ang magiging susi upang masimulan ng Pilipinas ang pagiging “mercury-free lifestyle” para sa mas ligtas na kapaligiran.


Ang Minamata Convention ang kauna-unahang hakbang upang maihinto ang paggamit ng mercury na isang nakalalasong kemikal na posibleng maging banta sa pagkasira ng ating kapaligiran at makaapekto sa kalusugan ng mga tao.

Base sa MIA report, ang pangunahing pinanggagalingan ng mercury ay mula sa pagmimina ng ginto at ang pagkuha ng minerals na nagiging dahilan upang dumumi at masira ang kapaligiran.

Ang mercury inventory ay isa sa mga importanteng paraan upang mabawasan ang epekto ng mga toxic pollutants sa kapaligiran.

Facebook Comments