Merkado, unti-unti na umanong nababalanse ang epekto ng rice trade deregulation ayon sa DA

Kinontra ni Department of Agriculture Undersecretary for Policy and Planning Rodolfo Vicerra ang ginagawang paninisi ng ilang grupo ng mga magsasaka sa Rice Tariffication Law.

Ayon kasi sa mga kritiko, humina ang kakayahan ng bansa na makalikha ng malaking produksyon ng palay dahil sa rice trade deregulation.

Ayon kay Viscerra, mapanlinlang ang mga ipinupukol na argumento.


Ang batayan lang dito ay ang misleading ay ang Philippine Statistics Authority report patungkol sa food availability at sufficiency mula 2017 to 2019 kung saan tumaas ang rice imports mula 6.6% patungong 20.2%

Ani Viscerra, parte lang ito ng biglaang reaksyon dahil sa unang pagbubukas ng domestic market sa rice imports.

Gayunman, unti-unti na rin aniyang nag-aayos ng salansan ang merkado dahil sa malaking produksyon ng palay.

Inihalimbawa niya ang inaasahang pagkamit sa target na record-high production na 20.3 MMT ng palay ngayong taon sa kabila ng paghambalos ng nagdaang bagyo.

Facebook Comments