Malabo pa sa ngayon na mailagay sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Metro Manila pagsapit ng August 19, ito ay dahil hindi pa rin pasok sa MGCQ standard ang COVID-19 case doubling rate.
Samantala ibinalita ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, na bubuksan na sa darating na Agosto 17, 2020 ang bagong hospital facility sa East Avenue Medical Center na magsisilbi bilang exclusive COVID-19 referral hospital.
Ito ay mayroong 250 bed capacity at Intensive Care Unit (ICU) beds para sa mga critical at severe COVID-19 patients, bukod pa sa patuloy na nadaragdagan ang mga isolation facilities sa buong bansa.
Samantala, nakatakda namang i-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang quarantine classification sa darating na Aug 17, 2020.
Una nang sinabi ng Palasyo na tila malabo rin ang extension ng Modified Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan dahil malaki ang epekto nito sa negosyo at ekonomiya ng bansa bukod pa sa wala na ring pera ang pamahalaan na pang –ayuda.