Hindi pa masabi ng Department of Health (DOH) kung ligtas ng ibaba sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).
Kasunod ito ng projection na patuloy ang magiging pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa hanggang Marso.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, susuriin pa nila ang mga “safe places” at sitwasyon sa mga ospital sa NCR bago magdesisyon hinggil sa pagluluwag ng restriksyon sa rehiyon.
Aniya, may ilang factor din na dapat ikonsidera bago ibaba pa sa mas maluwag na alert level ang Metro Manila.
Nauna nang sinabi ni infectious disease expert at Vaccine Expert Panel member Dr. Rontgene Solante na “premature” pa para luwagan ang COVID-19 community quarantine sa Metro Manila mula sa kasalukuyang Alert Level 2.
Facebook Comments