Petisyon na nagpapakansela sa COC ni BBM, binasura ng COMELEC 2nd division

Ibinasura ng Comelec 2nd Division ang isa pang petisyong nagpapakansela sa certificate of candidacy (COC) ni presidential aspirant Bongbong Marcos o BBM.

Partikular ang petisyon na inihain ni Tiburcio Marcos laban kay BBM.

Una na ring binasura ng poll body ang petisyon na inihain ni Father Christian Buenafe na humihiling din na ibasura ang COC ni Marcos.


Naibasura na rin ang petisyon na humihiling na maideklarang nuisance si Marcos na inihain naman ni Danilo Lihaylihay.

Sa ngayon, pending pa sa Comelec 1st Division ang 2 disqualification cases laban kay Marcos.

Facebook Comments