Nagsitunugan ang mga cellphones, sirena at alarms kanilang alas-kwatro ng madaling araw bilang hudyat ng ikalimang Metro Wide Earthquake Drill ngayong araw.
Pinangunahan ni MMDA Chairperson Danilo Lim, Phivolcs Director, Undersecretary Renato Solidum at iba pang VIP ang event.
Layunin nitong sanayin ang publiko sa kung anong mga dapat gawin kapag lumindol sa oras ng pagtulog.
Ayon kay MMDA Disaster Risk Reduction and Management Chief Michael Salalima – dapat gawin ang ‘duck, cover, and hold’ ang mga residente kapag narinig ang alarma.
Magsasagawa rin ng simulation ng ‘critical scenarios’ gaya ng evacuation, fire control, pagguho ng gusali, pagligtas sa mga naipit na tao at emergency response.
Pero sinabi ni Salalima na hindi susukatin sa drill kung gaano karami ang lalahok kundi masasabi itong matagumpay kapag nabatid ng publiko ang kahalagahan ng ganitong mga aktibidad.
Tutukuyin matapos ang drill ang mga dapat pang pagbutihin sa paghahanda para sa lindol.