Metro Manila Subway, target ng DOTr na mapagana sa 2027

Plano ng Department of Transportation (DOTr) na mapagana o maging operational na ang siyam na istasyon ng Metro Manila Subway pagsapit ng 2027.

Ayon kay DOTr Undersecretary for Railway Cesar Chavez, kabilang sa mga istasyon na ito ang East Valenzuela Station, Quirino, Tandang Sora, North Avenue, East Avenue, Anonas, Katipunan, Ortigas at Shaw Blvd.

Magugunitang sa nakaraang administrasyon ay apat na istasyon ang sinisikap na maging operational sa taong 2025.


Diin ni Chavez, full operational ng Metro Manila Subway sa 2027 ang target ng Marcos administration.

Kaugnay nito ay muling ipinaalala ni Chavez sa publiko na mula Oktubre 3 ay isasara ang magkabilang lane ng Meralco Avenue sa Ortigas upang bigyang daan ang konstruksyon ng subway station doon.

Binanggit din ni Chavez na ₱18 billion ang pondo sa package 4 ng subway, kung saan ang ₱26 million ay inilaan na pambayad sa mga istrukturang gigibain.

Facebook Comments