Halos 400 PDLs, napalaya ngayong araw

371 persons deprived of liberty (PDLs) ang napalaya ngayong araw ng Bureau of Corrections (BuCor).

Naging emosyonal ang ilang PDL partikular ang mga kababaihang napalaya nang isa-isa silang gawaran ng release order.

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, napagsilbihan na ng naturang inmates ang hatol sa kanila kaya nararapat lamang na mapalaya na ang mga ito.


Nais din ni Remulla na magkaroon ng buwan-buwang pagpapalaya sa mga bilanggong nakapagsilbi na ng sentensya.

Nagpapasalamat naman si Public Attorney’s Office chief Persida Acosta kay Remulla dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay natupad ang kanyang kahilingan na mapalaya na ang PDLs na nakapagsilbi na ng hatol sa kanila.

Facebook Comments