Nagisa sa pagdinig ng 9th circuit court of appeals sa san Francisco, California, ang mga abogado ng US government na dumidepensa sa kontrobersiyal na travel ban ni President Donald Trump.Sa pagdinig, tinanong ni Judge Michelle T. Friedland ang mga kinatawan ng Justice Department kung may ebidensiya ang mga ito na mag-uugnay sa mga bansang Iran, Iraq, Libya, Somalia, Sudan, Syria at Yemen, sa terorismo.Ngunit walang ma-iprisinta ang justice department pero inihalimbawa ang ilang somalis sa Amerika na konektado raw sa terror group na Al-Shabab.Kinuwestyon sin ni Judge Richard Clifton si Washington Solicitor General Noah Purcell kung bakit sa pananaw ng mga ito ay diskriminasyon sa mga muslim ang travel ban ni Trump.Hindi naman umano makapaniwala si Trump na sumasabak sa legal battle ang kaniyang administrasyon para sa kaniyang polisiya na ang layunin ay maprotektahan ang Amerika.
Mga Abogado Ng Administrasyong Duterte, Nagisa Sa Pagdinig Ng Court Of Appeals Kaugnay Ng Travel Ban
Facebook Comments