Mga abogadong dawit sa cover up ng kaso ni Atio Castillo, pinapatanggalan ng lisensya

Manila, Philippines – Pinatatanggalan ng lisensya ng may-akda ng bagong bersyon ng Anti-Hazing Bill sa Kamara ang mga abogado na kasama sa tangkang pagko-cover up sa pagkamatay ng hazing victim na si Atio Castillo III.

Giit ni Public Information Committee Chairman Bernadette Herrera-Dy, hindi dapat palagpasin ang pananagutan ng mga natukoy na myembro ng Aegis Juris Fraternity na gustong maghugas kamay sa pagkamatay ni Atio.

Dahil dito, hiniling ng kongresista sa Integrated Bar of the Philippines at Supreme Court na maglunsad ng motu proprio administrative investigation.


Nanawagan din ang mambabatas sa Department of Justice na ilagay ang mga abogadong ito sa lookout watchlist ng Bureau of Immigration para mabantayan ang galaw ng mga ito sakaling lumabas ng bansa.

Agad namang pinakakasuhan ang mga sangkot sa pagpatay kay Castillo para maisyuhan na ang mga ito ng hold departure order at hindi na makalabas ng bansa.

Facebook Comments