Mga adbokasiya ni Presidente Duterte suportado ng Datu Abdullah Sangki LGU

Patuloy ang pagpapalakas ng kampanya konta krimen , droga, at terorismo ng Local Government Unit ng Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao.
Layunin nito ay para ipakita at magsilbing modelong bayan , hindi lamang sa buong lalawigan kundi sa buong Bangsamoro Region ang DAS at maipakilala bilang bagong Gateway of Development sa naging panayam ng DXMY kay Datu Abdullah Sangki Mayor Datu Pax Ali Mangudadatu .
Kaugnay nito, buo ang suporta ng LGU DAS sa hanay ng kapulisan, sa katunayan aniya , nakahanda na ang 2 Pick-Up Truck at 2 Motorsiklo na iturn over sa DAS MPS dagdag pa ni Mayor Datu Pax Ali.
Kaiisa rin ng LGU ang AFP sa balik -baril program bukod pa balik-loob program ng gobyerno.
Nagpapatuloy rin ang suporta ng LGU DAS sa adbokasiya ng PDEA-BARMM. Matatandaang nauna na ring naideklara bilang drug- cleared Municipality ang DAS.
Kahapon ,muling nagsama- sama ang LGU officials, 2nd Mech Batallion, MPS , Brgy Officials at head ng line agencies sa isinagawang Joint MPOC, MADAC at MDRRMC Meeting.
Matapos ang meeting namahagi rin ng suporta si Mayor Datu Pax Ali sa mga ustads ng bayan, kabilang sa mga ibinigay ng LGU ay 6 Flat Screen LED TV, 10 STAND FAN, 10 Flat iron, 10 heater at 10 improvise radio with flashlights.
Ang bayan ng DAS ay hometown ng kasalukuyang Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu. Hall of Famer na rin ito ng SGLG.
DAS PIC

Facebook Comments