Manila, Philippines – Nagbabala ang Palasyo ng Malacañang sa mga ahensiya ng Pamahalaan na hindi makapagsusumite ng Freedom of Information o FOI Manual bago mag Oktubre a-1 na walang aasahang performance based bonus o PBB bago matapos ang taon.
Ayon kay Presidential Communications Assistant Secretary Kris Ablan, ang FOI People’s Manual ay bahagi ng requirement sa ilalim ng 2017 guidelines and conditions na nakapaloob sa PBB.
Kaya kailangan aniya ang FOI peoples manual para makatanggap ng PBB ang mga ahensiya ng Pamahalaan.
Sinabi pa ni Ablan na kailangang humingi ang isang government agency ng validation of compliance at sa sandaling dumaan na sa confirmation, dito na mag-iisyu ng Compliance Certificate ang PCOO na may lagda ng FOI Program Director na patunay na nakasunod sila sa 2017 guidelines and conditions.
Mga ahensiya ng pamahalaan na hindi magbibigay ng FOI People’s Manual, hindi makatatanggap ng performance based bonus ayon sa Palasyo
Facebook Comments