Tuesday, March 17, 2026

Mga AI calls, kayang ma-trace ng Unified 911 ayon sa DILG

Kayang i-detect ng Unified 911 system ang mga AI-generated at mga robo prank calls.

Ayon kay 911 Executive Director Francis Fajardo, natutukoy na ng system ang mga pattern ng AI at robo calls at awtomatikong bina-validate kung lehitimo ang mga ito.

Bumaba na ng mahigit 98 percent ang prank at abandoned calls mula Setyembre 2025, ngunit nananatiling hamon ang mga hindi emergency na tawag na nakakaantala sa responde.

Paalala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko, gamitin lamang ang 911 sa tunay na emergency upang matiyak na agad na makakarating ang tulong sa mga nangangailangan.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na tiyaking ang mga operator ng public safety system 911 ay nakatutok lamang sa tunay na emergency.

Facebook Comments