Inanunsyo ni Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez, na kanselado ang mga aktibidad ng PhilJA o Philippine Judicial Academy.
Sinabi ni Marquez, na epektibo ang kanselasyon ng aktibidad ng PhilJA sa March 16 hanggang May 31 ng taong ito.
Ang desisyon ay bunga na rin ng banta ng COVID-19 sa bansa.
Ang PhilJA ang institusyon kung saan sumasalang sa pagsasanay ang mga huwes, abogado at mga tauhan ng Hudikatura
Facebook Comments