BNFM BICOL – Tiniyak ng Bureau of Fire Protection o BFP Bicol na mas papalakasin nila ang fire safety awareness campaign ngayong buong buwan ng Marso bilang Fire Prevention Month.
Kaugnay nito, inilunsad na ng ahensya ang mga nakalinyang nitong aktibidad kasabay ng isinagawang 1st media forum sa isang mall sa Legazpi City na dinaluhan ng mga local media sa Albay at iba pang concerned agencies sa rehiyon.
Hinikayat ng BFP Bicol ang publiko na pataasin ang kamalayan sa mga posibleng sanhi ng sunog at mga paraan sa pag iwas dito lalo na ngayon papasok na summer months.
Ayon kay BFP-Bicol chief, Supt. Alberto de Baguio, walang awa ang sunog dahil kaya nitong tupukin o sirain ang anumang bagay at kaya nitong kumitil ng buhay.
Kaya naman, mariin nitong binigyang diin ang kahalagahan ng pakikiisa sa mga fire safety awareness campaign na naka angkla sa selebrasyon ngayon buwan na may temang ‘Matuto Ka, Sunog Iwasan Na’.
Kasabay nito, nagbigay rin ng tips ang BFP Bicol sa publiko kaugnay sa pag iwas sa sunog na tinawag na Be A-L-E-R-T.
Always remember to have fire escape plan. If fire occurs in your home, get out, stay out and call for help and never go back inside for anything or anyone; Learn to apply safety precautions inside your houses; Educate yourself and your family regarding the different fire hazards and fire safety practices; Readiness to all fire and other catastrophic incidents is a must, personal safety is very important; and finally, Think and Act fast.
MGA AKTIBIDAD NGAYONG FIRE PREVENTION MONTH, PORMAL NANGINILUNSAD NG BFP SA BICOL; IWAS-SUNOG TIPS, IPINAALALA SA PUBLIKO
Facebook Comments