Inilatag na ng Cotabato City Government ang mga aktibidad kasabay ng pagdiriwang ng 22nd Shariff Kabunsuan Festival.
Kabilang sa mga itatampok sa selebrasyon ay ang Guinakit Fluvial Parade, Kuyog Street Dancing, Crab Festival, SK Fest Bazaar , Quran Reading at marami pang iba.
Tema ngayong taon ay “Kultura at Kasaysayan, Gabay tungo sa Kaunlaran ng Lungsod ng Kutawato”.
Magsisimula ang selebrasyon sa December 15 hanggang December 19. Si Shariff
Kabunsuan ay sinasabing isa sa nagpakilala ng relihiyong Islam sa Mindanao.
Patuloy naman ang pag-anyaya ng City Government sa lahat na saksihan at makisaya sa okasyon.
Facebook Comments