Mga alak na nahulog mula sa truck, pinagpiyestahan ng mga residente

457
Stock photo from Flickr

DAVAO CITY – Pinagpiyestahan umano ng ilang residente ang mga alak na nahulog sa isang trailer truck sa Lower Tamugan, Marilog District nitong Martes ng gabi.

Batay sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol sa manibela at preno ang drayber sa pababa at pakurbang bahagi ng lansangan.


Doon na dumausdos papuntang bangin ang truck at nalaglag ang mga kahon na may lamang alak.

Agad rumesponde ang emergency team na Central 911 para iligtas ang tsuper na naipit sa sasakyan.

Nang matapos raw ang rescue operation, kaniya-kaniyang dampot ng mga beer ang mga usisero, ayon sa ilang saksi.

Natigil lamang ang pangunguha sa mga inumin makaraang dumating ang mga pulis.

Sa ngayon, maayos na ang kalagayan ng drayber na nagtamo ng maraming sugat at pasa sa katawan.

Facebook Comments