Tindero ng pares-mami na binaril ng holdaper, pumanaw na

1820
Screenshots from CCTV footage/Barangay 649, Baseco Compound

Binawian na ng buhay ang tindero ng pares-mami na hinoldap at binaril noong nakaraang linggo sa Tondo, Maynila.

Kinumpirma ni Sydney Bautista nitong Miyerkules na pumanaw ang kapatid niyang si Samson Bautista matapos sumailalim sa isang maselang operasyon sa Philippine General Hospital.


Binaril ng suspek na si Alexander Ogdamina ang biktima sa leeg nang tumanggi itong ibigay ang bag na naglalaman ng kanyang kinita sa pagtitinda.

Nakaraang Miyerkules nang maaresto si Ogdamina na tila sinisi pa ang biktima sa nangyari.

(BASAHIN: Suspek sa pamamaril sa tindero ng pares-mami, arestado)

Umamin din ang suspek na gumagamit siya ng iligal na droga, ngunit itinangging ginamit ang ninakaw na pera pambili.

Naiuwi na ang mga labi ni Bautista sa Tiaong, Quezon.




Naulila ng biktima ang kanyang asawa at tatlong anak.

Facebook Comments