Mga Alkalde ng Isabela, Nagpupulong na Kaugnay sa Ipatutupad na Community Quarantine!

Cauayan City, Isabela- Wala pang pinal na desisyon ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela kung isasailalim na sa General Community Quarantine ang probinsya o mananatili sa Enhanced Community Quarantine.

Kasalukuyang nagpupulong ngayong araw sa bayan ng Luna ang mga alkalde kasama ang mga board members ng Isabela sa pangunguna ni Isabela Governor Rodito Albano III upang pag-usapan kung aalisin na ang ipinatutupad na ECQ pagkatapos ng April 30, 2020, panlalawigin ang ECQ o ilalagay na lamang sa GCQ ang Lalawigan.

Ilan sa mga pinag-usapan ay kailangan isaalang-alang ang mga lugar na mayroong kaso ng COVID-19 maging ang mga bayan na may mga suspected cases ng naturang sakit.


Ilan kasi sa mga bayan sa Lalawigan ay mayroong mga nagbalik sa probinsya na galing sa Metro Manila.

Nirekomenda naman ng ilang alkalde na ibalik na sa normal ang operasyon ng mga bangko mula sa limitadong oras nito upang maiwasan ang mahabang pila at exposure ng mga tao sa iba.

Ayon naman kay Governor Albano, nakadipende sa desisyon ng mga alkalde kung ano ang sistema o scheme na gagawin kung mananatili sa ECQ o magiging GCQ ang Lalawigan ng Isabela.

Anumang oras o araw ay aasahan ang pinal na desisyon ng provincial government ng Isabela.

Facebook Comments