Mga alkaldeng magmamatigas sa pagpapatupad ng window hour sa mga lugar na may lockdown, bibigyan ng show cause order ng DILG

 

Nagbabala ang Department of Interior and Local Government sa mga local gvernment units na mananagot ang mga ito kung hindi susunod sa ipinatutupad na lockdown sa mga lugar na kabilang sa 14-km danger zone.

 

Kung maaalala, unang inimplimenta ang window hours sa ilang mga lugar sa paligid ng Taal volcano para mapayagan ang ilang mga bakwit na makabisita pansamantala sa kani-kanilang mga tahanan.

 

Pero ayon kay DILG-Calabarzon Regional Director Elias Fernandez, mahigpit ang bilin ng dilg na wala nang window hours sa pagkat napaka-delikado pa rin ng sitwasyon ng bulkang taal.


 

Banta ni Fernandez sa mga pinuno ng lokal na pamahalaan, magi-issue sila ng show cause order sa mga alkaldeng magmamatigas sa utos ng kagawaran.

 

Kung matatandaan, bago ang babala ni Fernandez ay mayroon iilang mga residente ang nagpupumilit pa ring makabalik sa kanilang lugar kahit na ipinagbabawal na ito.

 

Habang hinikayat naman ni Talisay Vice Mayor Charlie Natanauan ang kanyang mga nasasakupan na magsibalik na lamang sa kanilang mga tahanan kahit na mahigpit pa rin itong ipinagbabawal ng mga otoridad.

 

 

Facebook Comments