MGA AMBULANT VENDORS SA MAPANDAN, SINITA SA PAGKAKAROON NG KAUKULANG PERMIT

Pinaalalahanan ang mga nasitang ambulant vendors sa gilid ng mga kalsada sa Mapandan, na kumuha ng kaukulang permit upang maging legal ang kanilang kabuhayan.

Ang isinagawang inspeksyon sa mga ambulant vendors ay naglalayong bigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng permit upang maging legal at patas ang kanilang hanapbuhay mula sa ibang mga legal na manlalako.

Ayon sa tanggapan,sa pamamagitan nito, mapanatili ang kaayusan sa kalsada habang sinisiguro ring protektado ang kabuhayan ng mga nagtitinda.

Tiniyak din na naging makatao at maayos ang proseso ng inspeksyon sa mga manlalako.

Kaugnay nito, hinikayat ang mga nais magtinda na magtungo lamang sa munisipyo at isumite ang mga kinakailangang dokumento tulad ng valid ID at application form upang makakuha ng permit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments