Iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pumalo na sa 3.6 million ang bilang ng mga apektado ng El Niño sa bansa.
Ayon sa pangulo, umabot na rin sa ₱5.9 billion ang halaga ng pinsala at nawalang kita sa mga magsasaka at mangingisda dahil sa tagtuyot.
Kabilang dito ang napinsala na 3,000 ektarya ng lupa sa Zamboanga Peninsula.
Kaugnay nito ay namahagi ng ₱60 million na tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.
Nasa ₱10 million ang ayudang natanggap ng Zamboanga City, ₱14.260 million sa Zamboanga del Norte, ₱14.350 million sa Zamboanga del Sur; at ₱20.300 million sa Zamboanga Sibugay.
Facebook Comments