Umaabot na lang sa 1,360 indibidwal ang apektado ng granular lockdown sa iba’t ibang panig ng bansa kumpara sa halos 29,000 nitong nakaraang Biyernes.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), ang mga apektadong indibidWal ay nasa 375 lockdown areas sa 234 baranagay sa 43 munisipyo at syudad na sakop ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Police Regional Office (PRO) 1, 2, 4A, 4B, 5, 6, 7, 9, 11 at PRO Cordillera.
Ang Metro Manila ang may pinakamaraming apektadong indbidwal na nasa 300, mula sa 93 kabahayan sa 33 lockdown areas sa 32 Barangay.
Ang PRO 5 naman nitong nakaraang Biyernes ay may halos 26,000 indibidwal na naka-lockdown ay mayroon na lang 35 ngayon mula sa 11 kabahayan sa dalawang lockdown areas sa dalawang barangay.
Ang mga lugar na naka-lockdown ay binabantayan pa rin ng 382 pulis, dalawang tauhan ng Bureau of Fire Protection, at 413 force multipliers.