Mga apektado ng pag-ulan at pagbaha sa ilang rehiyon sa bansa, lumobo pa!

Sumampa na sa 180,788 pamilya o katumbas ng 721,627 indibidwal ang apektado ng sama ng panahon dulot ng pinagsamang shearline at Low Pressure Area sa ilang rehiyon sa bansa.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga apektadong indibidwal ay mula sa 904 mga barangay sa CALABARZON, Regions 5, 6, 8 at CARAGA.

Sa nasabing bilang, mahigit 14,000 pamilya o 40,454 katao ang pansamantalang nanunuluyan sa 170 evacuation centers habang ang nasa halos 40,000 indibidwal ay mas piniling manatili sa kanilang tahanan o makituloy sa kanilang mga kaanak.


Samantala, sa datos ng NDRRMC ngayong umaga, isa ang naitalang nasawi sa Region 8 pero patuloy pa itong bineberipika.

Sa ngayon, nasa 24 na siyudad at munisipalidad na sa Region 8 ang nasa ilalim ng State of Calamity.

Facebook Comments