MGA AREAS NA MAAARING MAGPASKIL NG CAMPAIGN POSTER PARA SA BSKE 2023, INILABAS NG COMELEC DAGUPAN

Inilabas ng Commission on Elections Dagupan City sa kanila mismong facebook page ang mga areas kung saan maaari lamang magpaskil ng campaign posters ng mga kumakandidato para sa Barangay and SK Elections 2023.
Ayon sa COMELEC Dagupan, ang mga awtorisadong common poster areas ng tatlumpu’t isang barangay ay sa kani-kanilang mismong mga Barangay Center ngunit nagbigay rin ng linaw ang ahensya na maaari rin naman magpaskil ang mga kandidato ng kanilang mga poster sa mga private place basta may permiso at pumayag ang may-ari ng gusali o bahay.
Wala na rin umano dapat pang lugar na maaaring pagkabitan ng mga campaign poster bukod sa mga nabanggit na awtorisado ng COMELEC Dagupan.

Nagbigay rin ng paalala ang ahensya na ang bawat ikakabit at ipapaskil na mga naturang poster ay dapat hindi lalagpas o katumbas sa sukat na 2ft x 3ft.
Samantala, maaari namang magtanong ang mga kandidato at mga bumuboto sa kanilang tanggapan para sa ilan pang paglilinaw na nais nilang masagutan. |ifmnews
Facebook Comments