MGA BARANGAY NA NASA ELECTION WATCHLIST AREAS SA PANGASINAN, POSIBLENG MADAGDAGAN AYON SA COMELEC

May posibilidad na madagdagan pa ang mga nasa ilalim ng Election Watchlist Areas na mga Barangay sa buong Pangasinan.
Ito ay sa kadahilanang nag umpisa na ang Campaign Period para sa Barangay at SK Elections hanggang October 28.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Provincial Election Supervisor Atty Marino Salas, magpupulong ulit ang mga attached agencies ng COMELEC kaugnay sa BSKE upang pag usapan ito.

Sa ngayon ay nasa tatlong Barangay sa Pangasinan ang binabantayan mula sa dating apat at magdedepende aniya sa magiging galaw ng Campaign Period.
Nagpaalala naman ito sa mga kandidato na panatilihin ang pagiging kalmado at huwag daanin sa init ng ulo ang Election lalo na at pormal ng nag umpisa ang Campaign Period para sa BSKE sa susunod na Lunes. |ifmnews
Facebook Comments