Monday, April 6, 2026

MGA ATLETA MULA ALAMINOS CITY, NAKA-DEPLOY NA PARA SA R1AA 2026 SA CANDON CITY

Pormal nang dumating ang mga delegates mula sa Alaminos City sa pagbubukas ng Region 1 Athletic Association (R1AA) Meet 2026 na ginanap noong Abril 5 sa Candon City.

Ayon sa City Government of Alaminos, handa na ang kanilang mga manlalaro na makipagsabayan sa iba’t ibang delegasyon mula sa buong Rehiyon Uno sa taunang paligsahan ng mga mag-aaral na atleta.

Tinataya namang aabot sa higit 16,000 ang kabuuang bilang ng mga kalahok mula sa iba’t ibang Schools Division Offices (SDO), kung saan bawat isa ay may tinatayang 350 atleta o higit pa na lalahok sa iba’t ibang sporting events.

Kasabay nito, naka-deploy na ang mga tauhan mula sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at iba pang partner agencies sa Candon City Arena na nagsisilbing sentro ng mga aktibidad.

Kaugnay nito, gaganapin mamayang alas-5 ng hapon ang grand opening program ng R1AA 2026, na hudyat ng opisyal na pagsisimula ng kompetisyon.

Ang R1AA ay taunang paligsahan na naglalayong hasain ang kakayahan ng mga kabataang atleta sa buong rehiyon uno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments