Wala nang magiging problema pa sa kanilang transportasyon ang mga atletang lalahok sa 30th Southeast Asian (SEA) Gmes Philippines 2019.
Ito ay matapos na lumagda sa isang kasunduan ang Morris Garage (MG) Philippines at Philippine SEA Games Organizing Committee.
Nabatid na ang MG Philippines ang offical mobility partner ng 2019 sea games bilang bahagi ng kanilang suporta sa mga atleta na sasabak sa bawat laro sa iba’t-ibang venue.
Sa naging pahayag ni MG Philippines president and CEO Atty. Alberto Arcilla, magagamit ng mga atleta at organizers ang kanilang sasakyan hanggang sa pagtatapos ng SEA Games.
Bukod dito, parte ng kanilang promotion ang maging sponsor o partners ng iba’t ibang sports event dahil mas lalo silang makikila sa ganitong uri ng paraan lalo na at ang sports ang isa sa malaking parte na ng kultura ng ating bansa.