Pinaalerto ni Senador Imee Marcos ang mga awtoridad sa mga International Airport at Seaports para hindi malusutan ng mga carrier ng bagong strain ng Pneumonia- causing virus o Coronavirus na posibleng manggaling sa China, Japan o Thailand.
ginawa ito ni marcos sa harap ng inaasahang pagdagsa sa bansa ng mga Tsino, na posibleng carrier ng virus, kaugnay sa pagdiriwang ng Lunar New Year.
Nagbabala rin si Marcos na malamang na makalusot papasok ng bansa ang virus dahil sa maluwag na immigration procedure sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
giit ni marcos, kailangang kasado na ang mga precautionary measures sa mga International airport at seaports para maiwasan ang banta ng pagkalat ng virus, partikular na sa Maynila at Cebu kung saan direktang pumapasok ang mga biyahero mula sa China.
Una nang na trace ang virus sa hayop at seafood market sa Wuhan, ang kabisera ng Central mainland province ng Hubei.
binanggit ni marcos na base sa report ng Chinese Health Authorities may apat katao na ang namamatay mula sa virus habang mahigit sa 200 na ang na-infect sa mainland China, at mangilan-ngilan din sa Thailand at Japan.