Nakiusap ang pamahalaang lungsod ng Marikina sa mga nabakunahan na ng unang dose ng Sputnik V na maghintay lang muna para sa kanilang lugar ikalawang dose nito.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, muling maaantala ang delivery sa bansa ng nasabing brand ng bakuna laban sa COVID-19.
Ito aniya ang pinaalam ng nasyonal ng pamahalaang sa kanyang tanggapan.
Wala naman aniya sinabi kung kailan ang eksaktong petsa ng pagdating ng Gamaleya Sputnik V COVID-19 vaccines sa bansa.
Matatandaan, sinabi noon ng Department of Health na hindi pa maaaring palitan ng ibang brand ng bakuna para sa second ng mga naturukan ng Sputnik V.
Facebook Comments