Nagpositibo sa African Swine Flu ang 15 blood samples mula sa baboy na nasabat sa Brgy. Baloling Mapandan Pangasinan na galing sa Bulacan.
Ayon kay Provincial Legal Officer Geraldine Baniqued, Kakasuhan ang dalawang hog traders na kinilalang si Jaime Garcia at Roger Erpelio na lumabag sa executive order na inilabas ng gobernador ng Pangasinan na temporary total ban sa pagpasok ng buhay na baboy sa lalawigan ng Pangasinan.
Kaugnay nito, inatasan na ang lahat ng mayor, barangay captain at iba pang ahensya na maghigpit sa pagbabantay sa mga entry points na maaring pasukan ng mga illegal hog traders. Pinaigting na rin ang 11 quarantine checkpoints sa Probinsiya na pinangungunahan ng Pangasinan Police Office.
Samantala, Umabot sa 71 baboy ang nasabat at agad na sinunog sa barangay Baloling Mapandan Pangasinan. Sa mga susunod na araw ipapatupad na ang ground zero sa nasabing barangay.
Photo Credit: PNP Pangasinan
###
Mga baboy galing Bulacan na dinala sa Pangasinan, positibo sa ASF
Facebook Comments