
Kinumpirma ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na gagamitin nila sa lahat ng operasyon ang mga bagong drone na ibinigay ng Australian government.
Ayon kay Gavan, malaking tulong ang mga high tech na drone para mapalawak ang sakop ng pagpapatrolya ng PCG sa mga boarder ng bansa partikular sa mga binabantayang karagatan gaya ng West Philippine Sea.
Aniya, malaki ang matitipid nila sa gasolina at mababawasan ang panganib para sa kanilang mga tauhan.
Gagamitin din ang mda drone sa mga search and rescue missions ng PCG gayundin sa mga marine environment protection tulad ng mga oil spill, surveillance at iba pa.
Ang mga drone ay mapapasailalim ng bagong tayong unmanned operations command kung saan sasailalim ang nasa 30 tauhan ng PCG sa training para sa pagmamando nito.