Mga bagong graduate, libre nang makakakuha ng mga public documents

Wala nang magiging problema ang mga bagong graduate sa kanilang mga dokumento dahil libre na nilang itong makukuha habang naghahanap ng trabaho.

 

Ito’y matapos pirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang R. A 11261 nagtatanggal ng kaukulang bayad sa mga government documents na kailangan sa paghahanap ng Trabaho da Pilipinas at sa abroad.

 

Kabilang sa mga dokumento ay ang unified multipurpose id o UMID, NBI, Police at Barangay Clearance, Tax Identification Number, Medical Certificates mula sa government hospital, birth at marriage certificate, transcript of records sa mga state universities and colleges at iba pa.


 

Kakailanganin naman ng magpakita ng barangay certificate para mapatunayan na bagong graduate ang isang indibidwal na naghahanap ng trabaho.

Facebook Comments