
Nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng Barangay Senior Citizens Association (BASCA) mula sa 12 barangay sa Dagupan City nitong Lunes, Enero 12.
Isinagawa ang panunumpa bilang pormal na pagsisimula ng kanilang mandato upang katawanin at pangunahan ang mga senior citizen sa kani-kanilang barangay, partikular sa mga programang may kaugnayan sa kalusugan, kapakanan, at serbisyong panlipunan.
Kasabay ng aktibidad, namahagi rin ng mga food at nutritional items tulad ng gatas at prutas bilang suporta sa wastong nutrisyon ng mga nakatatanda.
Ipinabatid din sa mga senior citizen ang nakatakdang tatlong araw na medical, surgical, at dental mission na gaganapin sa Dagupan City People’s Astrodome sa Enero 30 at 31 at Pebrero 1, sa pakikipagtulungan ng isang pribadong organisasyon.
Bukod dito, pinaalalahanan ang mga dumalo na patuloy na bukas ang mga serbisyong pangkalusugan ng City Health Office para sa mga senior citizen ng lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










