Mga bagong konstruksyon sa South China sea – sinimulan na muli ng China

Manila, Philippines – Nagsimula na umano ulit ng panibagong kontruksyon ang China sa South China sea.
Ito ang namataan sa mga bagong satellite images ng planet labs kung saan makikita ang pagsasagawa ng land clearing ng China na tila preparasyon ng mga ito sa pagtatayo ng harbour sa paracels.
 
Matatandaang naapektuhan ng naganap na bagyo noong nakaraang taon ang naunang konstruksyon ng mga ito.
 
Nababahala naman ang regional military at ilang mga eksperto sa nasabing hakbang ng China sa paniniwalang parte na naman ito ng military installations ng nasabing bansa bilang pagpapalakas sa kanilang maritime backyard para tuluyang maangkin ang pinag-aagawang South China sea.
 
Sa ngayon, kinukumpirma pa ng Estados Unidos ang naturang panibagong kontruksyon ng China.

Facebook Comments