Mga Bagong Lipat na Pamilya sa Lungsod ng Ilagan, Binigyan ng Tulong Pinansyal!

*Cauayan City, Isabela- *Binigyan ng tulong pinansyal ni Isabela Governor Rodito Albano III ang mga illegal settler’s o bagong lipat na pamilya na nirelokasyon ng City Government ng Ilagan.

Personal na inabot ng Gobernador ang P50,000.00 sa 30 pamilya na umalis mula sa likurang bahagi ng kapitolyo sa Barangay Alibagu ng nasabing Lungsod.

Ang nasabing mga pamilya ay dating naninirahan sa likurang bahagi ng Cityhall na pagmamay-ari ng pamahalaang panlungsod na kusang tumalima at sumunod matapos abisuhan na lisanin ang naturang lote.


Sa pamamagitan ng inisyatibo ni Mayor Josemari Diaz ay una na nitong inayudahan ang mga bagong lipat ng libreng bahay na may kanya-kanyang titulo, tubig at kuryente.

Kaugnay nito, nakatakdang magbibigay ng tulong pinansyal din ang City government para sa kanilang pangkabuhayan.

Facebook Comments