Mga bagong pasilidad ng Social Security System sa kanilang website, magagamit na ng mga retiree pensioner

Mapapakinabangan na ng mga retiree pensioner ang bagong pasilidad ng Social Security System sa kanilang website para makapag file ng kanilang Pension Loan Program (PLP) applications online.

Ayon kay SSS at CEO Aurora Ignacio, makikita ang bagong facility sa ilalim ng E-Services tab ng My.SSS member portal at www.sss.gov.ph.

Mas makakapagbigay aniya ito sa mga retiree pensioner ng ligtas, mabilis at mas konbinyente sa pagpa-file ng pension loan.


Maaari nilang magamit ang online method para sa application kung nakumpleto na ang lahat ng qualifying conditions ng PLP at nakarehistro sa My.SSS web account at iba pang requirements.

Sa ilalim ng PLP, bawat retiree personnel ay makaka-avail ng loan ng tatlo, anim, siyam o 12 beses ng kanilang basic monthly pension dagdag pa ang P1,000 benefits na ibinigay noong 2017 pero hindi lalagpas sa maximum amount na P200,000.

Pero nilinaw ng SSS, sa ilalim ng Portability Law, hindi qualified sa PLP ang mga retiree pensioner na nasa pangangalaga ng kanilang guardian o tumatanggap ng monthly pension sa pamamagitan ng tseke.

Facebook Comments