Mahigit 8,000 pulis, gustong mailipat sa ibang assignment

45

Nagsumite nang kanilang request na mailipat sa ibang area of assignment ang kabuuang 8,561 na mga pulis.

Ito ay matapos na ipatupad ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Cascolan ang PNP localization program na nakabatay sa Section 63 ng RA 8551 o ang PNP Reform and Reorganization Act of 1998.

Paliwanag ni Cascolan, ang localization program ay ang pagtatalaga ng mga pulis sa kanilang mga hometown o kaya sa pinakamalapit na lugar dito.

Aniya, ang hakbang ay makapagpapataas ng morale ng mga pulis dahil magiging malapit na sila sa kanilang mga pamilya at mapapahusay ang kanilang trabaho dahil sa “sense of ownership” sa kanilang area of assignment.

Base sa records ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) sa bilang ng mga nag-apply para mailipat, 7,410 na Police Non-Commissioned Officers ang pasado sa qualification.

4,742 ang gustong lumipat sa National Capital Region (NCR), 841 sa CALABARZON, 475 sa Central Luzon, 475 din sa Bangsamoro Autonomous Region at ang iba naman ay sa iba’t iba pang mga rehiyon.

Paglilinw ni Cascolan, 1:1 swapping ang mangyayari kung saan ang mga pulis mula sa isang lugar na ililipat ay papalitan din ng mga pulis na gustong magpa-re-assign sa kaparehong lugar.




Facebook Comments