Mga bakanteng posisyon sa Surigao Del Norte nakatakdang punan

Mga bakanteng posisyon sa Surigao Del Norte nakatakdang punan Nakatakdang punan ang iilang bakante na posisyon sa Surigao Del Norte sa pamamagitan ng pag-endorse ng partido ng mga pangalan na ipapalit. Ito ang binigyangdiin ni dating Cong. Francisco Matugas ng District 1. Tinukoy nito, sa pagkamatay ni Vice Mayor Dominador Taruc ng Socorro, umangat sa posisyon ang 1st Sangguniang Bayan at ang kulang na isa, ang pumalit si Wowie Timcang, manugang ng namatay at Ito’y sa pag-endorse ng Liberal Party. Samantalang sa bakanteng posisyon sa Sangguniang Panlalawigan sa pagkakatalaga bilang Judge sa Regional Trial Court Branch 30 ni Boardmember Leonila Gorgolon, ang inindorso naman ng Liberal Party si Elisabeth Abejo. Dagdag pa, ang mga papeles nito ang nasa Malacanang na, hihintayin na lamang ang pagpirma sa appoinment ng Pangulo.

Facebook Comments