Mga bakuna, dapat protektahan sa mga posibleng brownout ngayong tag-ulan – DOH

Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang mga manager ng cold chain facilities na magpatupad ng mga hakbang para protektahan ang mga COVID-19 vaccines sakaling magkaroon ng power outages, flash floods, at landslides ngayong tag-ulan.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang pamahalaan ay naglatag ng service continuity plan kung saan tinukoy nila ang mga cold chain facilities na nasa flood-prone at landslide-prone areas.

Inatasan na aniya ang mga cold chain managers na maghanap ng mas ligtas na lugar na maaaring ilagay ang mga bakuna malayo sa anumang pagbaha at pagguho ng lupa.


Una nang sinabi ng DOH na ang mga cold chain facilities ay mayroong back up power sakaling magkaroon ng rotational brownouts.

Facebook Comments