Mga bakuna mula Russia, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang 15,000 doses ng bakuna ng Gamaleya na Sputnik V.

Bago mag-alas-4:00 ngayong hapon, dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang commercial flight ng Qatar Airways, QR932 mula sa Doha, Qatar kung saan ito nag-stopover at lulan ang mga bakuna mula Russia.

Kabilang sa mga sumalubong sa pagdating ng bakuna sa Bay 114 ng Terminal 3 sina Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez, Health Sec Francisco Duque III, Testing Czar Sec. Vince Dizon, Chief Presidential Protocol Usec. Jorge Borje at Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov.


Una nang naantala ang pagdating sa bansa ng mga bakuna ng Russia matapos na magkaroon ng problema sa logistics.

Ang naturang mga bakuna ay dadalhin sa apat na malalaking lungsod sa Metro Manila.

Facebook Comments