Nasa halos isang milyong doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa unang araw ng ikalawang national vaccination drive ng pamahalaan.
Ayon kay Department of Health Undersecretary Myrna Cabotaje, 953,624 doses ang ibinigay noong disyembre 15 kung saan karamihan dito ay nasa National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at CALABARZON.
Bago niyan ay ipinagpaliban muna ang second national vaccination drive sa 11 rehiyon sa bansa dahil sa Bagyong Odette.
Samantala, kumpiyansa naman si Cabotaje na maaabot nila ang target na 7 million na bakunang maituturok ngayong ikalawang national vaccination drive.
Facebook Comments