Marawi City – Dumarami ang mga evacuees na nagkakarooon ng problema sa pag-iisip sa gitna ng nangyayaring bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Provincial Crisis Management Committee Spokesman Zia Alonto Adiong – nasa 2, 500 na mga kaso na ng mental health problem ang kanilang naitatala.
Dahil dito, umapela sila ng mga karagdagang doktor at eksperto.
Bukod dito, nanawagan na rin ng tulong si lanao Del Sur Provincial Board Member Abdul Hamid Bitor sa mga kapwa nila muslim sa ibang bansa.
Samantala, nag-sorry naman ang DSWD Sec. Judy Taguiwalo dahil sa delay na nangyayari sa pagbibigay ng cash assistance sa mga bakwit.
Facebook Comments