Nangunguna pa rin ang Middle East bilang top recruiter ng mga Pilipinong manggagawa.
Base sa datos ng workabroad.ph, ang Gulf countries ay may 76.28% sa lahat ng job listings sa kanilang database, sumunod ang Asia-Pacific countries na may 11.9% at ang Estados Unidos na may 7.59%.
Ayon kay workabroad.ph marketing lead Paola Savillo – ang Saudi Arabia ang nangungunang bansa para sa OFW deployment na may 46%, sumunod ang Qatar, United Arab Emirates, Kuwait, Oman at Bahrain.
Ang iba pang bansa na may mataas ang job postings para sa mga Pilipino ay Estados Unidos, New Zealand, Malaysia at Australia.
In-demand sa Middle East ang mga manggagawa sa health care, engineering at general work tulad ng drivers, electricians at cleaners.
Pumapalo naman sa ₱50,000 hanggang ₱65,000 ang sahod ng mga nasa information technology, education, marketing o business development professions.